"She's my fiance" Parang napako naman ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko sa kanya yun. "Bakit?" Sabi ko sabay deretsang tumingin sa kanya "Bakit ngayon mo lang sinabi?" Tanong ko sa kanya kaya napaiwas siya ng tingin Ilang saglit pa ay nagsalita na siya "Dahil ayoko kitang masaktan" Bakit ganun? Imbis na magalit ako parang natutuwa pa ako? Dahil ba malakas ang pagtitiwala ko sa kanya? "Do you love her?" Derstsa kong tanong sa kanya na siya namang ikinagulat niya "No. no. hindi ko siya mahal, ikaw ang mahal ko! ikaw lang diba? Mahal na mahal kita" Sabi niya sabay yakap ulit sa akin kaya niyakap ko siya pabalik "Naiintindihan naman kita James, pero sana noon mo pa sinabi yan para mapagusapan natin" Sabi ko sa kanya "Im sorry, Akala ko kasi magagalit ka sakin" Sabi niya "Ano nga pal