NADINE Tila nabuhusan naman ako ng malamig na tubig sa kinatatayuan ko, napatingin ako naman ako kay james na tila na stuck sa kinatatayuan niya. "Ano? Tutulala ka nalang ba diyan? Panagutan mo ang anak mo!" Hindi ko na kayang marinig ang mga sinasabi ng traydor na si jessa, traydor siya! akala ko totoo siyang kaibigan. Umalis na ako sa kinatataguan ko sa likod ng pinto. "Nadine" Sigaw ni james habang naglalakad ako sa pasilyo paalis. Hindi ko siya nilingon, Ayan nanaman, Eto nanaman ang ayaw ko eh, Kakaayos lang namin pero eto na agad. "MAHAL" Sigaw niya. hindi ko parin siya pinansin, naramdaman ko na mas malapit na ngayon si james sa akin kaya binilisan ko pa lalo ang paglalakad ko. Eto ba yung sinasabi niyang palno naming dalawa? na gusto na niya palang sirain yung relasyon namin.