Nauna ng umuwi si Jessa. Aalis daw kasi sila ng mommy niya. Nandito ako ngayon sa bench. Uupo muna ako, magpapahinga. ihahanda ko pa kasi ang katawan ko sa mahaba-habang lakaran. Sanay naman ako na lumakad pauwi at papasok dahil sabi ko nga ay kailangan kong ipunin 'tong pera ko. atsaka kung mamamasahe ako pauwi ay hindi talaga kakasya ang pera ko. 40 PESOS to kanina pero ngayon ay 15 PESOS nalang dahil hindi ko maiwasang hindi bumili ng favorite kong Ice Cream. Buti at may naitatago ako sa bahay na pera pang baon ko para sa mga susuond na araw
6:00 na pala ng gabi. Di ko namalayan ang oras, parang kani-kanina ay 5:00 palang.
Binitbit ko na ang bag ko at nagumpisang maglakad.
Ang konti ng mga estudyanteng pauwi? Madilim narin ang paligid. Nakalabas na ako ng Academy at Pauwi na ako sa Apartment na tinitirhan ko.
Teka. Lagi-lagi naman akong nadaan dito ah. At saka, bakit ganun? Nakakapanibago naman. Walang ilaw yung Street lights, Wala rin namang nadaan na sasakyan at wala akong nakakasabay na naglalakad rin. Ipinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ko. May kaunting ilaw pa naman eh. 6:00 pa lang naman yun nga lang, hindi ganoon kaliwanag kaya mangangapa ako ngayon sa dilim.
Papasok na sana ako sa Eskinita papunta sa amin ng biglang may nagsalita.
"Miss, Gabi na ah? Bakit naglalakad ka pa?" Napatalon ako sa gulat ng magsalita ang lalaking nasa likod ko. Ayoko siyang tignan. Naku naman. Mukhang kinukutuban ako.
Pinagpatuloy ko nalang ng mabilis ang paglalakad ko.
"Miss. Kinakausap kita. Bastos ka ah" Napasigaw ako ng bigla niya akong hilahin sa braso. Naaninag ko ang mukha ng Lalaking lasing tapos tinignan ko naman yung braso niya na puro tatto. Anlaki ng katawan niya kaya hindi ako makapalag sa paghawak niya sa braso ko. Namamawis na ang buong katawan ko. Kinakabahan na rin ako. Naririnig ko ang pagtibok ng puso ko.
"Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko habang nagpupumiglas, pero hindi ako makawala sa kanya.
"Tumahimik ka ngang babae ka. Sumama ka nalang samin" Sabi nung isa. Hindi ko napansin na tatlo pala sila. para talaga silang lasing na tambay.
"HINDI AKO SASAMA SA INYO!! BITAWAN NYO AKO" Sigaw na ako ng sigaw pero tinakpan ng isa ang bibig ko.
Hindi ako makasigaw. Umiiyak na ako habang dinadala nila ako sa kung saan. Naku naman. Anong gagawin nila sa akin? Hindi pwede ito!
"Saglit lang naman tayo miss eh. Ikaw din. baka magsisi ka pag umayaw ka pa" Sabi naman nung isang nakasumbrero tapos may hawak pala siyang kutsilyo.
Hindi na talaga ako makapagsalita sa takot, wala akong ginawa kung hindi ang umiyaka hanggang sa madala nila ako sa mas madilim na klugar. lumang building yata ito. Gusto kong makawala pero natatakot ako baka pag tinakbuhan ko to ay ihagis sa akin yung napakatulis na kutsilyo.
"Nakikiusap na po ako sa inyo.. Parang awa niyo na paalisin nyo na po ako dito" pagmamakaawa ko ng bitawan nung lalaki ang bibig ko. iyak pa rin ako ng iyak.
"Saglit lang talaga to miss. Masasarapan ka rin naman at wag kang mag-alala, pagkatapos nito, Mamamahinga kana" Natakot ako sa sinabi nung lalaking may hawak na kutsilyo.
Tinawag ko na lahat ng mga Santa at Santong kilala ko sa isip ko. Sana ay mapakawalan nila ako at umuwing ligtas pero mukhang mahina yata ako kay lord dahil inumpisahan ng itali ng tatlo ang kamay ko sa upuan. Basang-basa na ang mukha ko ng luha.
"Pakawalan niyo na ako!! Tulong!" Sigaw ko. Nilakasan ko na talaga ang loob ko pero wala paring tumutulong sa akin.
"Tumahimik ka ngang babae ka" Sabi nung isang maraming tatto.
Nakatali na ako. Nanginginig na ang buong katawan ko sa takot. Ayoko nito. Please. Sana ay may tumulong sa akin.
Lumapit na sa akin yung mga lalaki. nakakatakot yung mga mukha nila, malalaki rin ang katawan.
Lumapit pa lalo yung isa at hinawakan yung braso ko. Ang Baho ng Hininga niya. Yuck!
"HEEEEEEEEEEEEEEEEELP" Buong Pwersa kong ibinuhos ang lakas ko para makasigaw.
"Walang tutulong sa 'yo dito babae ka" Natatakot na talaga ako sa sinabi niya mas lalo na sa hininga niya. baka hininga pa niya ang maging dahilan kung bakit maaga ako mawawala sa mundong to. Ilang taon yatang hindi nagtoothbrush to!
"BITAWAN NYO KOOOO!"
"Walang tutu----" hindi na natapos nagsalita yung may bad breath. buti naman. nakakasulasok yung amoy eh.
"Bitawan niyo daw siya" Rinig kong sabi nung lalaki na medyomalayo-layo pa samin. Hindi ko naaaninag yung mukha niya.
"Sino ka naman para sundin namin?" Sabi naman nung isang lalaking may hawak ng kutsilyo. teka. bakit wala na siyang hawak na kutsilyo?
"Boyfriend niya ko at Girlfriend ko siya kaya bitawan nyo siya"
"Eh boyfriend ka naman pala nito eh. tara hatian nalang tayo" Sabi nung lalaking hawak-hawak ako ko
"Bitawan nyo siya" Pag-uulit ulit nung lalaking sana ay maiiligtas ako mula dito sa mababahong 'to.
Teka. Hindi parin ako binibitawan eh.
"Kuya. Bitawan mo daw ako. Bingi ka ba?" Sabi ko sa nakahawak sa 'kin. Nako. Patay. Mukhang nagalit ko to.
"Tumahimik ka nga"
Nakatingin sa akin yung tatlong mababaho kaya siguro nakahanap ng tiyempo yung Hero ko kaya isa-isa niyang sinuntok. teka. Parang kilala ko 'to ah.
Siya yung may maraming fan girls sa school. Tama. Siya nga. James! Napatumba niya naman yung tatlo sa pagbugbog kahit na nahirapan rin siya. Ang galing. Daig ko pa ang nanonood ng Action movie.
Lalapit na sana sa akin yung Savior ko. Ang gwapo. Pero nakita ko yung isang lalaki na tatayo na may hawak na kutsilyo.
"NASA LIKOD MOOOOOO" Sigaw ko pero mabilis na may hinugot yung hero ko sa likod ng pantalon niya. b***l.
Napaatras naman yung lalaki "Wag. Wag po. Di na po, Aalis na po ako" Sabi nung lalaking may hawak na kutsilyo dito sa lalaking niligtas ako.
Humarap yung tagapagligtas ko, walang iba kundi si James. Ang gwapo talaga. Pero nakakatakot dahil may hawak pa rin siyang b***l. napansin niya naman siguro yun kaya itinaas niya yung b***l na hawak niya.
"Pellet g*n" Sabi niya at ibinato sa kung saan. Ang galing niyang manakot. Akala ko talaga pellet g*n. pero bago ako magkwento ng kung ano-ano
"Oh. Ayan. Ligtas ka na" Nakakatouch. May nagligtas sa akin. Hindi ko inaakala ito, matapos ang paulit-ulit kong pagsigaw ay nagbunga din. Ang Gwapong hero naman nito ah.
"Salamat sa 'yo. Salamat. Malaki ang utang na loob ko sa 'yo. salamat" Walang tigil ang pagpapasalamat ko sa kanya.
"Wag ka ng magpasalamat. Magbabayad ka rin naman. May ipapagawa ako sa 'yo" Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Ano namang ipapagawa mo sa 'kin?" Tanong ko.
Pumorma pa siya na parang nag-iisip pero kahit na ganun yung porma niya ay gwapong gwapo pa rin.
"BE MY SLAVE"
Okay. Hindi pala siya gwapo!