"NADINE! TANGHALI NA, GUMISING KANA!" nagising ako sa malakas at nakakabasag eardrum na sigaw ni sabrina. "Sab. 5 min. wala namang pasok ngayon eh"bumalik ako sa pagkakahiga ko pero sumunod ang iba ko pang pinsan "HAPPY BIRTHDAY NADS!" Sabay-sabay nilang sigaw dahilan para mapaupo ako mula sa pagkakahiga ko. Omaygad. This is the day? This is my day? Omaygad, Omaygad, Omay-- "Hay nako, kung magd-daydream ka lang din naman, matulog ka nalang ulit. kaloka ka" Habang naggugupit ng kukong sabi ni megan. Tumayo na ako at sinunod ang sinabi nila. Isuot ko raw ang bigay nilang damit. lumabas na sila para raw makapaligo na ako at makapagbihis ng maayos. Bago ako maligo, binuksan ko muna ang karton kung saan nakalagay ang susuotin kong damit. Shems! Ang ganda. Above the knee red dress!