Umuwi agad ako sa bahay matapos kong makita ang ginawa sa akin ni james. Ang galing niya talagang manloko, ang galing niya ring manakit. Birthday ko na rin bukas, halos nakalimutan ko na ring ipagdiwang dahil ano pang silbi? Wala na ang mahal ko sa buhay, si james pa ba? Muli akong naiiyak pero wala namang magagawa ang kakhagulgol ko, mas lalo lang akong masasaktan kapag inaalala ko pa lahat ng mga masasakit na pangyayari sa buhay ko. "Kumain ka na muna Nadine, wag mo muna isipin ang mga sakit, ang isipin mo, kung paano natin malalampasan ang lahat ng problemang kinakaharap natin" sabi ni Jamie sa akin ng bumukas ang pinto. Tama siya, walang silbi ang kakaiyak ko, walang silbi lahat ng ginagawa kong to, kaya gagawa nalang ako ng paraan kung paano ko mareresolba lahat ng problemang ikin