NADINE Naiwan akong tulala dito habang hindi niya ako ipinapakawala sa mahihigpit niyang yakap na parang wala ng bukas. Hindi ako makapaniwala. Masyadong mabilis ang pangyayari. Sinabi niya na sakin ang tunay niyang nararamdaman, na mahal niya ako. Akala ko ako lang ang nagmamahal saming dalawa, akala ko wala ng natitirang puwang sa puso niya at higit sa lahat akala ko hindi na manyayari tong araw na to na akala ko ay hanggang panaginip nalang. Unti unting bumaba ang luha ko. luha ng kaligayahan. Kumalas ako sa yakap niya at humarap sa kanya “Sa araw araw na natatapos... iniisip ko kung paano ko ba malalagpasan lahat ng problema ko. Problema ko kung paano ko masasabi sayo lahat-lahat. . . Nung araw na Makita kita kasama ni Scarlet, Sobra-sobra akong nasaktan. . parang binibiyak yung pus