EIGHT YEARS LATER Nakaharap si Daniel sa harap ng malaking salamin habang sinusuot ang puting long sleeve polo na ni walang anumang lukot Pagkatapos ay sinuot na rin niya ang Patek Philippe na relo na mas mahal pa sa kotse ang halaga at konti lang mayroon noon sa Pilipinas. Bumalik na siya sa bansa matapos ang ilang taon. Marami ng nagbago. Wala na ang dating Daniel Yuzon na nakatira lang sa isang baryo, na pumapasok sa eskwelahan gamit ang luma at kalawanging scooter. Tinagurian na siya ngayon bilang isa sa pinakabatang bilyonaryo ng bansa. Pumapasok siya sa opisina na naka-Mercedes Benz, BMW, sports car. Name it and he will have it. He was now talked of the town. Sari-saring kontrabersiya ang napasukan niya na may kaugnayan sa mga babae. Kasalanan ba niya kung nagpapakabaliw ang mga