Excited si Maya. Nakabihis na siya. Suot niya ang bulaklaking bisteda na sinusuot lang niya kung may importanteng lakad. Hindi niya alam kung date ba iyon na matatawag pero inimbita siya ni Daniel na manood ng sine sa bayan. Once in blue moon lang siya nakakapasok sa sinehan. Huling panood nga niya ay ilang taon na ang nakakalipas at ang kababata rin niya ang kasama noon. Batid niyang gusto lang siya libangin ni Daniel para makalimutan niya ang nangyari. Ilang araw din siyang nilagnat at kakagaling lang niya. Pinayagan naman siya ng mga Professor niya na maka-absent dahil umabot nga sa kaalaman ng mga ito ang ginawa ni Stella sa kanya. Hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa utak niya ang nangyari. Habang buhay na niya iyon siguro na dadalhin sa kanyang memorya. Na-trauma siya. Ayaw niy