Labis na nababahala si Daniel sa kanyang nakita noong nakaraang araw nang maipit siya sa gitna ng traffic. Wala sa loob na napatingin siya sa mga establisyemento at nakita nga niya ang asawang bombay ni Maya na papalabas sa isang sikat na fast food chain. Hindi ito nag-iisa. Agbay nito ang isang babae na walang duda na kapareho rin nito ng lahi, habang hawak sa kabilang kamay ang tantya niya ay nasa kinse anyos na dalagita. Kung titingnan ang mga ito ay larawan ng isang masayang pamilya. Ilang taon na ang nakakaraan pero tandang-tanda niya pa rin ang mukha ng asawa ni Maya kahit sa picture lang niya nakita. Pero baka rin dinadaya siya ng mga mata dahil simula nang magsanga ulit ang landas nila ng dating nobya ay ito na at ang asawa nito ang laging laman ng utak niya. Nababaliw siya sa kak