Nakangiti lang si Maya sa mga kaharap na bisita pero ang totoo ay naasiwa siya. Alam kasi niya sa sulok ng Event Hall na iyon ay may pares na mga mata na hindi siya nilulubayan ng tingin. Hindi nga niya alam kung paano niya nagawang matapos ang kanyang talumpati. Kagabi pa niya na-practice at mahaba sana iyon subalit dala ng ng matinding kabog ng dibdib ay simpleng pasasalamat na lang ang naging talumpati niya. Walong taon na ang nakalipas ngunit nayayanig pa rin ang mundo niya sa presensiya ni Daniel. Bahagya niya itong nasulyapan kanina nang kinuha ni Stella ang atensyon nito. Malaki na ang pinagbago nito. Wala na ang totoy boyish na Daniel na may maamong mukha. Taglay na nito ngayon ang maawtoridad na anyo. Higit na mas gwapo ito ngayon lalo na sa suot na Amerikana. Sa palagay niya ay