Walang kibuan habang naglalakbay kami papunta sa black land at kahit nang makarating kami mas okay na rin ang ganun. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi nang mababang Lancaster na yun. Damn it. Napatigil naman ako at hinawakan si kuya Meilin sa ulo at iniyuko ko yun napangisi naman ako ng marinig ko ang mura ng mga kasama namin. Natamaan sila I guess? "Damn it! Bakit hindi mo sinabi sa amin?" inis na sabi ng lalaking humawak sa akin pero hindi ko sila pinansin dahil pinapagaling na din naman sya nung healer. Bakit ko naman sasabihin sa kanila? Kung alerto sila edi sana hindi ito nangyari sa kanila. Tsk, ano klaseng class S sila? Marami na ngang flaws ang mga fighting skills nila pati ba naman senses nila? "Dapat sinabi mo na lang din sa kanila." sabi ni kuya habang nakaupo sa isa