Nagpag desisyunan naming hanapin ang tatlong bago na magiging tauhan doon sa secret laboratory ng elder at hindi naman kami gaano nahirapan dahil agad naman namin silang nakita. Sila ang pinaka matalino dito sa University pagdating sa science at kung ano ano pang eksperimento pero pinatulog muna namin sila ng mahimbing at pinabantay ko si Cerephene sa kanila. Kailangan na si Cerephene ang mag bantay sa kanila dahil hindi lang sila ang pinaka matalino- malalakas din sila. Hindi pwedeng isang mahinang Lancaster ang magbantay sa kanila dahil delikado. Baka mabulilyaso pa ang trabaho namin. "Hindi kaya tayo mahuhuli ng Elders?" Tanong ni Luke at halata sa boses nya ang pag-aalala. Naiintindihan ko naman ang pag aalala kaya naman sinabi kong, "Hindi." Para naman magkaroon din sila ng tiwala