"Natatakot ka na ba? Pwede pa naman kitang buhayin at ikulong na lang ng pang habang buhay kung susuko ka at magsosorry sa lahat ng ginawa mo." Seryoso kong sabi kay uno pero tinawanan lang naman nya ako. "Ako magsosorry? Bakit lady para sa akin lang ba yun? Hindi! Ayoko nang maging alipin ng kagaya nyo!" "Kaya ba tinangka mong gumawa ng cursed eye?" "Oo at di ko akalain na ikaw pala ang nagmamay ari nyan kung alam ko lang matagal na kitang pinatay!" Walang bahid ng pagsisisi sa boses nya kaya naman nainis ako at nakipagsabayan na sa kanya. Pagod na sya sobra at mas lalo ko pang nilalakasan ang mga suntok at sipa na tinamo ko kanina sa kanya. "Ano di mo na ba kaya Uno?" Pang iinis ko. Hindi ko mapigilang hindi mainis dahil sa mga sinabi nya at mas lalong nainis pa ako sa mga binigkas