"Wah! Valene! Anong ginawa naming mali?!" sigaw ni Jenny. "Wah! Bia naman eh!" dagdag pa naman ni Halimau. Kanina pa sigaw ng sigaw ang dalawang yan habang tumatakbo kasama sila Hyokin at Heal pare parehas silang hirap na hirap. May kotse kasi silang kailangan na hilain at kailangan nilang makalimang laps. Mahirap ba? hindi naman ata dahil five years old pa lang ako ganyan mag train ang mga nasa Lancaster clan lalo na at nasa higher part kami ng clan. Noong nag ten years old nga ako aakyat ako sa pinaka matarik na bundok habang nakatali sa baba ko ang patay na malaking oso. Oh di ba ang bait nila gramps sa akin. Napag isip isip ko na mas maganda kung isasama ko ang way nang pagtetrain ng dating elders sakin at ang way ko dahil sa sobrang hina nila hindi nila agad makokontrol kung saka