ALICE DE RUSI Nag-commute na lang ako papunta sa hospital kung saan naka-schedule ang check up ko. Noong unang check up ko hindi ako pumunta. Nauna na ako kay Kleint. Nakaka-bored maghintay kay Kleint. Hindi ko nga alam kung saan siya nagpunta. Umalis lang siya na walang paalam sa akin. Tapos magpapahintay siya para samahan niya ako sa OB ko. Umalis siyang mag-isa, kaya aalis din akong mag-isa. Nag-iba ang mood ko kanina ng makita ko pa ang maharot na kapitbahay ni Kleint. Walang iba kun 'di si Aila. Akala ko pa naman wala na ang babaeng 'yon. Nagbakasyon lang pala saglit sa ibang bansa at bumalik din kaagad. Mas mabuti na hindi na siya bumalik pa dito. Napadaan ako sa katabing bahay namin. Doon ko napansin si Aila na nakasuot ng napakaikling shorts at croptop at halata pa na wala i