Chapter 32 Anong oras na ay naghihintay pa rin si Xander sa lolo niya sa airport. Ano naman kayang pumasok sa isip ng abuelo niya at pagkatapos ng meeting kahapon ay dali-daling nag-flight papunta sa Pilipinas? It takes more than seventeen hours before the plane lands, and he’s still waiting after 18 hours. Kandahaba na ang leeg niya. Kusot na ang noo na kinuha niya ang cellphone kay Ashton at tinawagan si Ziah. Ang sabi niya roon ay pupunta siya sa libing. Ipakikilala na rin daw siya nun sa sinasabing Mother Gemma. Bakit naman kaya siya ipakikilala ni Ziah sa mga madre? Para sa oras na umiyak iyon baka dasalan siya ng isang taon ng mga madreng iyon. “Black,” anang dalaga sa kabilang linya, “Pupunta ka pa ba? Huwag na dahil baka ikaw ang iburol ko.” Mercy! Napahalakhak siya sa kabila