Chapter 37 Pagdating ni Xander sa sinasabing Moon Bar ay nakita niya ang tauhan na si Tony, pasilip-silip sa loob ng bar at parang inaabangan kung anong nangyayari sa loob. Maasahan talaga ang lalaking ito sa pagmamanman, dati pa. Isa kasi itong trying hard agent noon, feeling detective pero hindi pinalad kaya bodyguard ang kinalabasan. Well, sulit din naman. Sino ba naman ang aayaw sa trabaho bilang bodyguard ng isang, Javier Alessandro Severino VII? Mas higit pa yata sa sweldo ng isang pulis ang sahod ng mga bodyguard niya, lalo na ang mga kanang kamay nila na si Bart at Ashton. Ang mga ito kasi ang nagsisilbing personal assistants nila ng lolo niya, sayang nga lang at nawala ang dati niyang kanang kamay, but Ashton is a great bodyguard, too. “Sir, lasing na,” ani Tony sa kanya kay