Chapter 43 Tulala si Ziah na naghihintay sa may kotse niya kay Gracy. Tapos na ang shift nila pero pakiramdam niya ay ayaw ng magpahinga ng katawan niya. May kakaiba siyang nararamdaman sa katawan niya. Sana ay mali siya pero mukhang hindi. She could feel abdominal cramps on the left part of her belly. Sana ay papalapit lang iyon na buwanang dalaw pero iba ang kutob niya. She’s already delayed. Nagbigay na siya ng palugit na 4 na araw sa sarili niya pero puro p*******t ng puson ang nararamdaman niya. Napayuko siya at ikinurap ang mga mata. Kabit na nga siya, magiging disgrasyada pa. Ano na ba ang nangyari sa dating Keziah, na masunurin sa utos ng mga nakatatanda? Ang dami dami na niyang kasalanan na nagawa sa buhay niya, simula nang tanggapin niya si Xander. “Sorry, friend, kinausap pa a