Chapter 35 Tahimik si Ziah nang makabalik sa lawn, at salamat dahil naghahanda na ng pagkain doon. Ngumiti siya kay Javier kahit na ang isip niya ay okupado ng ibang bagay. Mahilig siya sa bata dahil ganoon halos ang parati niyang nakakasalamuha pero sa mga oras na iyon ay iba ang pakiramdam niya, na malamang may anak na ang lalaking gumugulo sa kanya. Ano ba ang iniisip niya? Hindi naman siya nagagalit na may anak ito kaya lang nalito siya bigla. Hiwalay na raw ito sa ina nun. Ibig sabihin, ang bata ay nasa pangangalaga ng nanay nun dahil wala kay Xander. At that moment, she’s really confused and she admits that what she found out changed her mood. That’s their first date but seems like she turned out to be unhappy. Nabuhay siya na wala silang mga kapatid sa ibang babae o lalaki ng mg