Chapter 28 Nakasandal ulit si Xander sa may pinto ng unit ni Ziah, naghihintay. Tinakbuhan siya ng dalaga kanina at sa pagkadismaya niya ay nadapa iyon sa pagtakas. But she’s quite strong enough to stand up and really escaped. Sinasabi na nga ba niya na hindi maganda ang magiging epekto ng pagka-late niya ng gising. Sa susunod na may lakad iyon, hindi na lang siya matutulog. Wala pa naman siyang alarm clock dahil wala pang kaayusan ang loob ng kwarto niya. Ang kasama lang niyang nabili sa mansyon ay ang mga furniture, mga TV at component sets, sala set, kama, pero hindi ang mga maliliit na bagay tulad ng alarm clock. Dapat pala ay iyon ang ipinaiwan niya. He glanced at his wristwatch again. Ilang oras na siyang naghihintay at nabubwisit siya dahil wala siyang cellphone. Nagpaiwan siya s