Chapter 118 "D-addy?" agad kong niyakap ang aking ama nang makapasok ako sa silid kung saan in-allow akong makita ang ama ko. Kasama ko ang abogado ng pamilya. Sinabihan na ako ng abogado na malakas ang evidence laban kay daddy. Hindi ko rin alam kung bakit walang dumampot sa akin for questioning, eh. Mukhang nakakilos na ang pera ng aking ama. Saka inako nito ang lahat ng mga kasalanan ko. Hindi raw ako makukulong... pero mabubulok naman ito sa kulungan. "Oh, bakit ka umiiyak?" tanong nito sa akin. "Kailangan mong lumabas dito. Hindi ka nababagay rito sa kulungan." Luhaang ani ko rito. "Gusto mo ba ikaw rito?" biglang ngisi nito. Mabilis naman akong umiling. "No way, daddy!" agad kong sagot. Never na makukulong ako. Never kong naisip na malalagay ako sa gano'n na sitwasyon. L

