Chapter Eighty-four Kanina pa tawang-tawa itong lalaki sa tabi ko. Break time na ng mga bata. Kanya-kanya takbo sa mga nanay ang mga ito. Mayroon pa nga, iyong pinakamaliit sa kanila ay tumakbo para kunin ang feeding bottle nito. Iyong isa ay agad dumede sa mama n'ya. Si Coby... ito kumakain ng kanin at ang ulam ay tinolang manok. Pang-heavy meal agad ang anak ko. "Favorite mo iyang tinola, 'nak?" tanong ni Colton sa bata. Tinignan ito ni Coby. Tinatantiya kung dapat bang sagutin n'ya ang tanong ng ama. "Yes po, pwede mag-wish?" "Oo naman, anak ko." "Bili ka po ng chicken kay Ninong Pogi ko." "Iyon lang ba?" ani ng lalaki. "Tapos po ikaw ang nanghuhuli tapos magkakatay. Ikaw rin po ang hihingi ng papaya kay Lolo Ike. Tapos ikaw po ang magluluto." Parang hindi na natapos ang '