Chapter Seventy-eight "Gusto mo bang subuan kita?" tanong ni Colton sa bata na dumampot na ng kutsara n'ya. Hindi man sumagot ang bata, pero itinuro nito ang kamay n'ya. Parang ipinangangalandakan nito na may kamay siya. "Kaya n'ya, gov. Kain ka na." Ako na lang ang sumagot. "Bakit gov, mama?" "Governor ang ibig sabihin no'n, anak." "Ano iyong governor?" sinenyasan ko si Colton na magsalita. "Ah, isang posisyon iyon sa gobyerno. Nagtratrabaho para maglingkod sa bayan." Sagot ni Colton pero binalewala lang ito ng anak n'ya. "Mama, ano ang governor?" ulit na tanong ni Coby kahit na narinig naman na nito ang sagot mula sa kanyang ama. "Si Papa Colton ay governor, 'nak. Naglilingkod siya sa bayan. Siya ang pinuno ng lalawigan. Siya rin ang namamahala ng mga proyektong panlalawig