Chapter 114 "Nagpunta ang mga pulis... wala si Elton Buenve sa kanilang mansion." Marahan kong hinawi ang pahina ng librong binabasa ko. Bago ako sumulyap sa gobernador na nasa swivel chair n'ya. "As expected naman na. Saka iyon naman ang gusto natin. Iyong hindi siya mahuli agad." Sinulyapan ko si Coby na abala sa pagkukulay sa coloring book na dala-dala namin. Nandito kami ngayon sa opisina ng gobernador. Para itong may sariling mundo na habang nagkukulay ito. "Pero may mga nakasunod naman sa bawat kilos nila." "Good. Tuloy ba ang interview mo later?" "Yes, baby. Dito lang kayo sa office ko habang nakasalang ako sa interview. Maraming tao ang dadating. Huwag na lang muna kayong lumabas." "OKay." Sagot ko rito. "By the way... nabigyan ba ng protection si Mrs. Abwerbos?" "Yes,

