Chapter 116 Mirabella Anghel Buenve "Nasaan iyong pera?" halos yugyugin ako ni Daddy habang pinanlilisikan ng mata at tinatanong kung nasaan ang pera. Narito na siya sa bahay. Sumalisi lang. Baka kasi may nagmamanman at matimbrehan ang mga pulis. "Daddy, dumating kami roon na nasusunog na ang safe house mo." "No! Don't say that!" tanggi ng aking ama. "Where is the f*****g money, Mirabella?" "Nasunog na, dad!" itinulak ko ito. "I think plinano mo ito, daddy. Wala naman atang pera roon at gusto mo lang akong madamay sa sunog." Bintang ko. Pero hindi nagustuhan ng aking ama iyon. Nasampal ako nito. "Damn you, Mirabella! Anak kita pero pumasok sa isip mo na gagawin ko sa 'yo iyon?" He's right. Bakit pumasok sa utak ko iyon? Napasabunot ako sa buhok ko. Damn it! Bakit ko naisip iyo

