Chapter 126 "Gago ka!" iyon ang reaction ni Benjamin pagkatapos kong magkwento rito. Dalawang araw kaming magkasama ni Mrs. Re Vinci. Kilala ni Benjamin ang mga boss ko. Alam din nito kung ano ang itsura ng mga iyon kaya may pagkakataong nasasabi nito na Ang hot daw ng boss kong babae. "Tinikman mo? Siya ang unang babaeng nagalaw mo? Jackpot ka roon, boy!" ani nito sa mahinang tinig. Halatang na excite sa kwento ko rito. Wala rin kasi akong mapagsabihang iba. Ito lang. "Ang gago ko nga." Stress na ani ko. "Oh, bakit parang nalugi ka d'yan? Panalong-panalo ka roon. Daig mo pa ang nanalo sa lotto." Hindi maitago sa tinig nito ang inggit. Pero parang proud naman ito sa akin. Proud? Tangina. Walang nakaka-proud sa ginawa ko. Dumating kami kahapon sa bahay na umiiyak si Miss Lucinda dahil m

