"Hanapin mo!" wika ni Marcus habang minamasahe ang kaniyang sintido. "Ang alin, Sir?" litong tanong ni John. "Ang babaeng nakapirma sa marriage certificate na 'to. Hanapin mo si Marcelina Lagdameo. Kung kinakailangan na umupa ka ng mga private investigator ay gawin mo. Kailangan kong makita ang babaeng 'yon sa lalong madaling panahon. Sa tingin ko ay plinano niyang lahat ito. Pinikot niya ako. May gusto siya sa akin, sinamantala niya ang kalasingan ko, kasabwat niya ang mga tao sa bar." "Huh! Ganun ba talaga ang nangyari, Sir? Parang sa kwento mo kanina ikaw ang nag-aya sa kaniya na magpakasal kayo." Sinamaan ng tingin ni Marcus si John. "Dahil sabi niya, kunwari siya raw si Selena, magpapanggap siyang si Selena para sa akin. Hindi ko naman akalain na totohanan pala ang kasal na 'yon.