Chapter 39 3rd Person's POV Kumpirmado ni Fider na kaklase niya nga si Venice. Nakita niya si Jasper. Agad na may pumalibot at sumalubong kay Venice pagpasok nila ng classroom. "Fider, sino ba ang babaeng iyan? Nagtse-cheat ka ba kay ate? Pagkapasok na pagkapasok 'nan dito ikaw agad ang hinanap. Tinanong kung pumasok ka," ani ni Jasper. Napangiwi si Fider at sinabing hindi. "Childhood friend ko dati sa probinsya," sagot ni Fider. Masama ngayon ang timpla ng mukha ni Destiny at Lucky. Ayaw nila sa babaeng iyon. Nilingon nila si Fider na parang wala lang na inaya na sila kumain. Umupo sila sa mga upuan na nandoon at nagsimula na kumain si Fider. Kita nilang gutom na gutom ito. Tinanong ni Jasper kung kamusta ang try out. "Badtrip sa akin ang captain ng varsity team. Dinamay lahat n