Chapter 42 3rd Person's POV Agad na iniba ni Greg ang usapan. Nandoon daw sila dapat magsaya. Tumayo si Venice at nakatingin lang kay Fider. Patuloy lang sa pag-inom si Fider. Nagpatuloy ang kasiyahan sa gabing iyon. Marami ng nalasing at isa na doon si Fider ngunit compare kanina mas maganda na ang mood nito. "Ayoko na lasing na ako. Uuwi na ako," ani ni Fider. Inaaya pa kasi siya ng mga kainuman na uminom. Tumayo si Fider at muntikan na ito matumba. Tinawanan siya ng mga ka-team at sinabing lasing na nga si Fider. "Fider, hindi ka makakauwi ng ganiyan. Dadalhin kita sa unit ko. Malapit lang iyon dito," ani ni Venice at hinawakan si Fider sa braso. "Ha? N-No! Uuwi ako. Tatawagan ko sina Lucky," ani ni Fider at pasuray-suray na kinuha ang phone niya. Nag-dial siya ngunit kinuha