Chapter 46 3rd Person's POV "Mom! Bakit ka pumayag na ibalik ni dad ang hayop na iyon dito!" sigaw ni Tyson. Nalaman ni Tyson na pinakuha ng dad niya sa mga tauhan nito si Fider at ikinulong sa kwarto. "Watch your mouth Tyson. Kapatid mo pa din si Fider," ani ng ginang. Sumigaw ang lalaki at sinabi niya na hindi niya kapatid si Fider. "Manahimik ka Tyson. Wala kang karapatan na sabihin iyan kay Fider. Siya ang tunay na Salvatore at kung ano 'man tinatamasa mo ngayon at meron ka ay dahil iyon kay Fider!" Napatigil si Tyson matapos makita ang ama at narinig ito. Naiyukom ng lalaki ang kamao. Lagi na lang iyon ang naririnig niya sa ama niya. Lagi na lang si Fider ang binabanggit nito. Lagi na lang sinasabi nito na magpasalamat sila kay Fider dahil ano? Pera ni Fider ang ginagamit ni