FOUR MONTHS has passed. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang ikot ng buhay ko. Paikot-ikot na muntik pa akong ma-stuck sa ilalim, mabuti na lamang ay may nag-start muli ng aking buhay, umikot muli ako hanggang mag-stay ako sa tuktok muli. Nakapag-take na kami ng LET exam noong September at maghihintay na lamang kami ng result sa darating na December. Pero, naniniwala na kaming apat na papasa kami. Nakakulong na rin sina Gab, Luigi, Agustin at Via. Si Ravon ay patay na. Mabuti na lamang ay hindi lumaban sa kaso ang kamag-anak ng Calvin na iyon, dahil alam nilang malakas na pamilya ang mga Zenger. Nagpapasalamat din ako na sila ang tumulong sa amin, maging sa mga Silvestre. Kaya ang lahat ng kayamanan na mayroʼn ang Calvin na iyon ay napunta sa kamag-anak niya na swapang din sa kayama