NAKAHINGA ako nang maluwag ng makarating kami sa garden na walang nangyayari sa aking masama. Nakaligtas ako sa jail and wedding booth na iyon. “Dalian natin kumain, Chloe and Mallory, tayo ang naka-duty mamayang 1PM. Bantay tayo ngayon sa juice booth natin,” paalala sa amin ni Rain kaya tumango kami. Kaya nagmadali na rin kaming kumaing lima kaya nang matapos ay lumakad na muli kami papunta sa department namin, ang daming pumupunta kahit hindi namin ka-department. “Best, nandito pa ba iyong groom mo?” pagtatanong ni Rain sa akin habang naglilibot kami ng tingin. Kami na ang nagbabantay ngayon, pinalitan na namin sila. Nilibot ko ang tingin sa buong paligid. “W-wala,” sabi ko sa kanya nang ma-scan ko nang buo. “Mukhang hindi natin ka-department.” Tumango ako sa sinabi ni Chloe. “He