NAPADILAT ako, nakita ko na naman ang room na nakita ko last three years, nasa hospital room na naman ako. Napatingin ako kay kuya Adam nang makitang naka-ubod siya sa gilid ng kama ko, hindi lamang iyon nasa kabilang gilid din si Asher. Napangiti ako nang malamang binantayan nila ako. “M-Mallory!” Gulat akong napatingin sa taong tumawag sa name ko, si Rain. Ngumiti ako sa kanya. “Hello, Rain!” nakangiting sabi ko sa kanya. “Aish, ang ingay baka magising si Mall— Rain, call the doctor!” malakas na sabi ni kuya Adam kaya nakita kong tumakbo palabas si Rain. “Are you okay, Mallory? Masakit pa ba ang ulo mo, ha? Saan pa ang masakit sa iyo?” sunod-sunod na tanong ni kuya Adam habang tinitignan ako nang buo. Hinawakan ko ang kamay niya at umiling. Napansin kong gising na rin si Asher at tin