THIRTY minutes ago nang makaalis ang dalawang lalaking customer namin. Pero, hindi rin nagtagal ay may pumasok muli na mga lalaki pero apat na sila, lahat sila ay may suot na helmet at bonet. Hindi ko gusto ang pakiramdam ko ngayon. Palihim kong hinawakan ang aking pepper spray sa bulsa ng pants na suot ko. “Ate Nita, I have bad feeling about these guys po,” bulong ko sa kanya habang mahigpit ang kapit sa aking pepper spray. Umikot ang mga mata ko hinahanap ko si Asher ngayon. Nasaan ang isang iyon? Nasa dulo kaya siya ng store? “Huwag kang mag-alala, Miss Mallory, ganyan ang mga taong pumapasok dito. Iyong iba nga naka-helmet pa kapag pumapasok kasi mga naka-motor, kaya common lang ang mga iyan,” nakangiting sabi niya sa akin at tinapik ang aking balikat. Hindi pa rin ako napanatag