ISANG LINGGO ang aking tinagal sa loob ng private room ko sa hospital, simula nang magising ako. “Mom, pʼwede na po ba akong lumabas? Nababagot na po ako rito,” tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin, kapapasok lamang niya muli dahil kinausap siya ng doctor ko. Everyday ay umaatake ang sakit ng ulo ko kaya nagta-take ako ng pain killer if sobrang sakit lamang, iyong tipong hindi ko na kaya ay doon lamang ako umiinom. “Yes, sweetheart, pʼwede ka ng lumabas bukas. Clear na ang lahat sa iyo, maging ang sugat mo sa iyong braso at balakang ay mabuti na raw kaya pinapayagan ka ng lumabas bukas,” nakangiting sabi ni mommy sa akin. Malaki ang ngiti ng binalik ko sa kanya. “Mabuti naman po, mommy! Naiinip na po talaga ako rito! Isama mo pa na amoy gamot na po ako dahil sa pinaiinom po sa ak