TULALA akong nakatingin sa kawalan katatapos lamang ng dalawang class ko today kaya may isang class na lamang ako mamayang ala-una hanggang alas-dos ng hapon, ako ang last teacher nila. “Huy, best, tulaley ka dʼyan, ha? Anong iniisip mo?” Napataas ang tingin ko kay Rain. Gusto kong sabihin sa kanya ang narinig ko kay kuya Adam kanina. “May iniisip lang ako, Rain... Ikaw, tapos na second class mo?” tanong ko sa kanya at umupo na siya sa tabi ko. “Oo, mamaya ulit. Same tayo ng schedule, ʼdi ba?” sagot niya sa akin. “Anong iniisip mo, ha?” Napasandal ako sa upuan ko at tinignan siya. Konti pa lang naman kaming nandito, sampu kaming nag-student teacher dito at lima pa lamang kaming nandito ngayon, sina Chloe and Xavier ay wala pa. “Um, Rain, may kilala ka bang Rey?” nag-aalinlangan ko