“Rain! Dapa!” Hinila ko si Rain padapa sa backseat namin. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya nang magising siya. “B-best friend, anong nangyayari? Bakit sumigaw ka?” kinakabahan niyang tanong sa akin. “Kuya, bilisan mo pong mag-drive! May sumusunod sa ating naka-motor!” malakas na sabi ko sa kanya habang nagtatago pa rin kami sa likod ng driver seat. “Best, baka iyong bodyguard mo lang iyon.. Ano ngang pangalan niyon? Leon?” Pinapakalma niya ako pero umiling ako sa kanya. “Hindi siya si kuya Leon! Hindi siya lalapit sa kotse as long as walang problema!” sigaw ko sa kanya. “Assassin si Leon, best, kaya dapat nasa malayo lamang siya.” “K-kung hindi iyon ang bodyguard mo... B-baka ordinary naka-motor lang din iyon, best? Pauwi na rin siya?” Umiling ako sa kanya. “Iba itong kutob ko.