"WHAT HAPPENED TO you, anak? Bakit ka ba nagdire-diretso? See yourself, Calvin! Buti gasgas at bali lang iyang inabot mo. Your head is okay, as what the doctor said to me. Ano ba talagang nangyari sa iyo? Can you tell me, anak?" 'Pagkapasok pa lang ni Faith sa emergency room ay nakita niya sina Calvin at mamá. Si Calvin, nakaupo sa hospital bed habang hawak ang kanang braso na nababalutan ng arm cast. May bali kasi ito. Ang ina naman nito, nakatayo sa harap nito habang nakapamewang. Umalis lang siya nang sandali dahil umihi muna siya. "I am okay, mamá," tipid na sagot ni Calvin habang nakayuko. "No, you're not okay!" may kalakasan niyang saad saka nilapitan ito. "Paano mo masasabing ayos ka lang kung ganoon ang nangyari sa iyo, ha? Mabuti nakita kita agad kaya nakatawag na ako ng tulong