"KUYA, PAHINTO NA lang ng kotse sa tabi," ani Faith sa nagmamaneho ng sasakyang kinalalagyan niya. Hininto nga nito ang kotse sa tabi ng kalsada. Bumaling siya sa likod niya at laking tuwa niya nang makalayo na sila. Lubusan siyang nagpapasalamat dahil hindi siya nakita ng mga ito. Paniguradong nakita na nila roon ang totoong Hazel kaya kapag nakita siya, magkakaroon ng problema— ng malaking problema. "Ma'am Hazel, ikaw po ba iyan?" Napatingin na lang siya sa driver nang magsalita ito. Nakita niyang nakatingin ito sa kaniya mula sa rare mirror. Tumango siya bilang pagsang-ayon sa tanong nito. "Ako nga ito. Why? Is there any problem?" nakangisi niyang tanong. "Wala naman po, ma'am. N-Natanong ko lang po. Saan na po tayo pupunta ngay—" Hindi pa man ito natatapos nang biglang tumunog an