ZAVANA KALSEY SANDOVAL __ Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakadukdok. Unti-unti ko ring minulat ang mga mata ko hanggang sa makita ko si Roro. Nawala agad ang antok ko nang makita kong nakabukas na ang mga mata nito at nakatingin siya sa akin. "H-how are you?" I immediately asked him and leaned closer to him to gently touch his forehead. Kahit papaano ay mas nabawasan pa ang init niya. "Ate Ganda," mahinang sambit nito. "Bakit d'yan ka po natutulog?" I caressed his hair and his hand bago ko sagutin ang tanong niya. "I was worried about you." "Ayaw mo po akong katabi?" Pinilit kong bigyan ito nang matipid na ngiti. "Of course not. Kumusta ka na? Kumusta ang pakiramdam mo?" "Hmm... masakit po 'yung ulo ko, Ate Ganda." "Do you need a massage?" Marahan kong dinala ang mga ka