TRAVON ARTIAGA __ "Kumuha kayo ng itak!" Nataranta at naaligaga ang mga tao sa barrio habang bumababa ang isang helicopter sa lugar namin. Marami ang lumabas at nagsara ng bahay. Mayroon ding ilan na nag-ayos agad ng mga gamit. Nauna na ang ilang mga taga-barrio na lapitan ang binabaan ng helicopter. Sinundan ko lang ang mga ito. Nagtangis agad ang bagang ko nang makita ko kung sino ang bumaba roon. Nag-iinit ang dibdib ko habang naalala ang lahat sa nakaraan. Mabilis siyang nilapitan ng mga taga-barrio ngunit bumaba rin ng helicopter si Airo. "Ibaba niyo 'yan," utos nito. Sunod-sunod ang naging tanong ng mga taga-barrio sa kanya na halos wala na akong maintindihan. Hindi na ako magugulat. Sa umpisa pa lang, alam kong may pakay siya. "Airo, hindi ba't isa siya sa mga nagpasunog n