ZICE KURSEIV SANDOVAL __ "Ihahatid na kita." "Hindi na. Baka magising 'yung mga anak mo. Wala silang kasama dito sa bahay. 'Yung binilin ko sa'yo, don't forget. 'Yung vitamins nilang dalawa. 'Yung milk ni Chalane sinabi ko na sa'yo kung ilang scoop. Don't ever-- ever forget na paliguan silang dalawa before lunch at palitan ang damit nila kapag pawis na pawis na." "I got it." "Hindi na ako nakapagluto ng breakfast. You can cook or, for your convenience, mag-order ka na lang sa labas. I don't know if I can come back before midnight, but I'll try." Hinatid ko siya sa labas. Hinalikan niya ako at nagpaalam pero niyakap ko pa siya mula sa likuran nang akmang papasok siya sa sasakyan. "I'll miss you," malambing na sambit ko. Hinalikan ko ang pisngi niya pababa sa leeg niya na agad niyang