ZAVANA KALSEY SANDOVAL __ Hindi ko napagmasdan ang view dahil nakatingin lang ako kay Roro na noon ay nababalot ng pagkamangha ang mukha habang nakatingin sa bintana ng helicopter. Hindi siya mapakali kung saan sisilip. I knew it was his dream to be a pilot at pangarap niya ring makasakay ng eroplano. Helix and I were planning to go out of town sakay ang private airplane para maranasan niya iyon. Inaayos pa namin ang schedule naming dalawa. "Salamat, tito Dre!" anito nang mag-landing kami sa isa sa mga resorts namin. Ngumiti ito sa kaniya at nag-angat ng kamay para sa high five. "Basta ikaw." We had a welcome party last weekend. Nakilala na siya ng buong pamilya. I told him na pilot si tito Dre niya and Kuya promised naman na bibigyan siya ng ride. "Mauna na ako, ha? Ibang pilot na