HELIX JACE SYJUCO __ "Pst, sino ba 'yang ka-text mo, ha?" tanong sa akin ni Ate. "Ang sabi ko sa'yo buhatin mo sandali 'tong anak ko. Masakit na ang balakang ko." "Sino pa ba? At saka bakit ka kasi nag-anak tapos ipapabuhat mo sa akin? Kita mo nga, oh, kagagaling lang nitong pilay ko." "Gusto mong sampalin ko 'yang bunganga mo?" "Psh, akin na nga." Marahan niyang nilapit sa akin si Khalesi. Iniupo ko naman ito sa kandungan ko. "Kumusta 'yang magandang batang 'yan, hmm? Look at tito ninong pogi. I love you, I love— ahh—ugh!" daing ko nang lamutakin na naman niya ang mukha ko. "Napaka-sama talaga ng ugali ng anak mo. Kailan ka ba mangingitlog ng bago?" "Next month." "Ipagdasal mo 'yan, ha?" She rolled her eyes. "Helix..." seryosong tawag niya sa akin pagkatapos ng ilang sandali. B