ZAVANA KALSEY SANDOVAL __ "Maraming salamat." Bahagya itong ngumiti sa akin. "Pasensya na kung hindi natin nahanap. Huwag kang mag-alala, ipagtatanong ko pa sa iba. Baka sakaling nakita nila." "I really don't know how to thank you enough. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa'yo." "Huwag mo nang isipin iyon. Basta kapag may kailangan ka 'wag kang magdalawang isip na sabihan ako. Alam mo naman na ang daan papunta sa bahay, hindi ba?" Marahan akong tumango. "Salamat ulit, Airo." "Sige na, pumasok ka na sa loob. Baka lalo kang pag-fiesta-han ng mga lamok dito. Masyado naman yata silang sinuswerte." Muli akong matipid na ngumiti sa kanya. "Ingat ka pauwi." May nakita agad akong liwanag pagpasok ko sa loob ng bahay. Nakita ko rin agad ang malalamig na mga matang nakatingin sa akin