ZAVANA KALSEY SANDOVAL __ "Tatay, magpapaka-bait na po ako para hindi ka na magkasakit," ani Roro habang nakaupo sa gilid nito. "Tsk, dapat lang. Parati mong pinapasakit ulo ko." "Sorry na nga, tatay. 'Wag ka nang magkakasakit, okay? Kawawa naman kami ni tatay Trey kapag wala ka na. Sino na lang mag-alalaga sa amin? At tsaka... sino na lang katabi kong matulog?" "Ayun, kaya pala. Natatakot ka lang na wala nang mag-aalaga sa iyo. Kunyari ka pa, gusto mo na rin naman talagang mawala ako at nang wala nang bumabawal sa iyong maglaro maghapon." "Nakakainis ka araw-araw, tatay, pero ayos lang kahit lagi mo akong pinapagalitan. Mahal pa rin naman kita eh." "Asus..." Napangiti ako nang bahagya habang tinitingnan ang mga ito. I could see Roro's love for him. Alam kong hindi iyon magbabago.