HELIX JACE SYJUCO __ Wala na si Kal sa bed pag gising ko kinabukasan. Kahit masakit pa rin ang katawan ay pilit akong bumangon mula sa sahig. Naging mabagal ang paliligo ko dahil sa bigat ng katawan. Nagbibihis na ako 'tsaka ko lang napansin ang mga galos ko sa kamay at tuhod. Hindi ko kasi nabilang kung ilang beses sumubsob ang tuhod ko kahapon. Hindi ko na lang iyon pinansin at hinanap ko agad si Kal. Nakita ko ito malapit sa pangpang. Siguradong nangongolekta na naman siya ng shells na hilig niyang gawin. Mayroon siyang isang silid sa bahay nila kung saan niya tinatago ang mga iyon. Kahit sa silid niya ay maroong mg naka-display. Tiningnan ko na rin ang dinadaan ko at naghanap na rin ng shells to help her. May ilan na akong nakuha nang lumapit ako sa kanya para ilagay ang mga iyo