ZAVANA KALSEY SANDOVAL __ "Ah, ma'am, may tawag po kayo sa telepono." Pupunta sana ako sa garden pero napahinto ako nang marinig ko ang isa sa mga kasamabahay namin. They kept calling me ma'am kahit na ilang taon ko na silang sinasabihang tawagin na lang ako sa pangalan ko. It was only yaya calling me by my name. "Hmm, I was not expecting any call. Sino raw po?" "Ai.. Airo raw po ang pangalan niya." Natigilan ako sa ilang sandali bago ako nagmamadaling nagtungo sa telepono at agad iyong itinutok sa tainga ko. "A-Airo?" "Zav!" masiglang bati nito sa kabilang linya. Nagtatalon agad ang puso ko sa tuwa nang marinig ang tinig nito. "Kumusta ka? Okay ka lang ba?" sunod-sunod na tanong ko rito. "Ayos lang. Nandito ako ngayon sa bayan. Plano ko sana... puntahan ka. A-ayos lang ba?" La