ZAVANA KALSEY SANDOVAL ___ "Bakit hindi kayo mag-date?" tanong ni tatay Lucio habang nagdidilig ng halaman. Nakangiti naman akong bumaling kay Trey at marahang dinala ang kamay ko sa braso nito. "Date tayo?" Hindi ito sumagot at hindi nag-abalang bigyan ako ng atensyon. "Lumabas-labas naman kayo nang walang kasamang trabaho at nang malibang kayong dalawa. Maluwang ang lugar na ito pati ang kalapit na bundok. Marami kayong puwedeng mapuntahan. Siya, magluluto ako ng pagkain ninyo pagkatapos ko rito." "Sama ako!" agad sambit ni Roro at tumingala sa amin. "Tsk, huwag ka nang sumama. Ikaw talaga basta nakarinig ka ng pagkain kahit saang lupalop sasama ka." Tinulungan ko pa rin si tatay na gumawa ng pagkain. Hindi ko alam kung bakit excited ako. Maybe because I actually wanted to explo