AIRO ROLDAN __ Pinagmasdan ko ang mga bangkay na naka-helera sa sahig. Nakahiwalay ang mga tauhan ni Mang Densio mula sa mga nakipaglaban laban sa pamumuno niya. Maraming pamilya rin ang nagluluksa. Marami ring sugatan ang nasa bahay ni Manang Loring para magpagamot. Sinundan ko sina Dario buhat ang bangkay ng mga taga barrio para dalhin sa mga paglilibingan nila. Hindi pa kami nakakalayo nang matanawan ko ang kapatid ko sa gubat. Ang alam ko ay nasa bahay siya ni Manabg Loring para tulungan itong asikasuhin ang mga sugatan. "Susunod ako," paalam ko kay Dario bago ko simulang sundan si Aileen. Sa likod ng isang malaking puno, napansin ko na may kausap ito. Si Trey. Sinadya kong kumubli sa isang malaking bato para pakinggan ang pinag-uusapan nila. "Trey, patawarin mo ako..." sambi